1 Post A Day Challenge – ENTRY #27

Bilang pag-gunita sa Araw ng mga Bayani (National Heroes’ Day) at Buwan ng Wika, ang entry na ito ay isusulat ko sa wikang Filipino. (In line with the celebration of the National Heroes’ and Month of the Philippine Language, this entry will be written in Filipino.)

Ako ay labis na nagagalak sapagkat sa loob ng ilang araw ay matatapos na rin ang aking Mini Project na 1 Post A Day Challenge (1PAD Challenge) para sa buwan ng Agosto. Sa puntong ito, nais kong magpasalamat sa lahat ng bumasa at tumangkilik sa blog na ito. Ngunit bago natin talakayin ang paksa ngayong araw, nais kong ipabatid na isusulat ko ang entry na ito sa impormal na Filipino sapagkat… Wit ko na keri kumuda ng pormal di ko na kaya mag-pormal pero susubukan ko pa rin. Pangako! (I swear!)

Ang araw na ito ay para sa pag-alala sa mga bayani ng ating bayan. Ako ay isang proud Filipino. Sa kabila ng kaliwa’t kanang katarantaduhan at kung anu ano pang ekis ang nagaganap dito sa bayan natin. Nandyan yung isyu ng plagiarism ni Senator Tito Sotto na tungkol sa RH Bill at ang wagas na pagtatanggol sa kanya ng mga bogs tanga tanga nyang abogado. Yung mga di matapos tapos na isyu ng korapsyon sa pamahalaan. Ang perwisyong nakuha natin matapos ang pag-dalaw ng habagat at mga bagyo. Siguro mapapa-isip ang iba kung bakit sa kabila ng lahat ng ito ay hindi na lang ako mangibang bansa at dali daling mag-apply ng panibagong citizenship.

Kahit kailan ay hindi ko naisip na lumisan dito sa ating bansa kahit na mahirap ang buhay dito. Hindi man kasing-unlad ng mga first world countries at kahit madalas i-bully ng mga Chekwa tungkol sa Scarborough Shoal at kung ano ano pa eh gugustuhin ko pa ring maging Pinoy. Bakit kamo? Heto ang mga dahilan kung bakit:

5 Dahilan Kung Bakit Ako PROUD Pinoy

1. Ang mga Pinoy ay natural na masayahin.

Kahit sa harap ng mga pagsubok nakukuha nating ngumiti. Sa tuwing mag-babalita ng tungkol sa bagyo, makikita mo ang footages ng mga nasalanta at mga stranded sa kanilang mga bubong na basa sa ulan ngunit nakatawang kumakaway sa camera. Ang unang hakbang sa pag-sagot sa mga problema ay ngiti sa mga labi. Sa tingin ko, likas tayong optimistic dahil nga sanay tayo sa hirap.

2. Ang mga Pinoy ay may matatag na pananampalataya.

86% ng populasyon ay Katoliko/Kristiyano. Pilipinas na lang ang bansa sa buong Asya ang naniniwala sa Kristiyanismo/Katolisismo. Tayo na nga lang ang walang divorce. Mabibilib ka din sa debosyon ng mga tao lalo na sa Poong Nazareno sa Quiapo at mga pistang laan para sa mga santo.  Naniniwala akong makapangyarihan ang panalangin sabi nga ng isa kong kaibigan “prayers can move mountains“.

3. Ang mga Pinoy ay mahusay sa larangan ng Sports, Sining, at iba pa.

Jose Rizal, Cory Aquino, Manny Pacquiao, Lea Salonga, Monique Lhuillier. Ilan lang sila sa maraming Pilipino na nagbibigay ng karangalan sa ating bansa sa iba’t ibang larangan. Sila ay isa sa mga dahilan kung bakit dapat mong ipagmalaki ang iyong pagka-Pilipino.

4. Ang mga Pinoy ay hospitable (hindi ko maisip kung ano ang direct translation. sorry naman. :D).

Isa sa mga sikat na traits ng mga Pinoy ang pagiging hospitable. Naaalala ko tuloy ang lola ko. Kahit na sapat lang ang pagkain sa hapag kainan yayayain pa rin ang mga bisita na sumalo sa pagkain. Kahit na wala ng pwesto para matulugan patutuluyin pa rin ang bisita. Kahit kapos handang magtiis sa ngalan ng pagtulong sa kapwa.

5. Ang Pilipinas ay puno ng magagandang tanawin at masasarap na pagkain.

Kamakailan lamang ang Puerto Princesa Underground River ay naging kabilang na ng New 7 Wonders of the World. Dito rin matatagpuan ang magagandang beaches at marami pang tourist destinations na dinadayo ng mga turista. Hindi lang yan, dito rin sa Pilipinas makikita ang pinaka-masarap na mangga at iba’t iba pang masasarap ng delicacies.

Matapos ang ilang siglo sa ilalim ng mga Kastila, ilang dekada sa ilalim ng mga Hapon at ng mga Amerikano, nakamit natin ang kasarinlan at nakabangon tayo dahil sa mga bayaning ginugunita natin ngayon. Kaya sadyang nakaka-proud maging Pinoy. Ilan lang yan sa mga dahilan kung bakit masaya sa Pilipinas at kung bakit mas masayang maging Pilipino. Totoo nga, it’s more fun in the Philippines.

 

Advertisements