Late bloomer. Ako yan.

Dati ako ang isa sa mga nangunguna sa klase pag dating sa academics pero sa ibang bagay lagi akong huli. Nung elementary, ako ata ang pinaka-huling nagka-tamagotchi at nagka-gameboy. Laos na sa mga kaklase ko hook na hook pa din ako. Nung high school, mga kaklase ko nagchi-cheek tint na at powder ako dalawang beses lang sa isang araw kung mag suklay (kaya ngayon alam ko na kung bakit hindi ako ligawin dati. hahaha! kahit hanggang ngayon di pa rin naman. hahaha!). Kaya naman, pag dating ko ng college, nagmimistula akong project ng mga classmates ko. Pag bored sila bunutan nila kong kilay, me-make up-an, trip na trip nilang pinturahan mga mukha nila.  Panay ang gala, gimik, at kung saan saan ang mga happenings.

Dati di ko ma-gets. Ngayon, gets ko na. Required na kong mag-makeup at mag ayos dahil sa corporate world lalo na sa Marketing, it’s all about presentation. Sawa na silang gumimik. Ako naman, ngayon ko pa lang na-eenjoy. Ang weird no. Yang Plants Vs. Zombies nga aliw na aliw ako eh lahat ng tao Temple Run at Draw Something na ang bukam-bibig. Ganyan ako ka-late bloomer. Di ko alam kung dapat ba kong matuwa o maasar. Pero most of the time, natatawa na lang ako.

Kahit sa pag-ibig huli ako. Mga iba kong friends nag-sipag asawa na. Yung iba may mga anak na. Ako nga di pa nagkaka-boyfriend. At dahil late bloomer ako, panay ang pressure ng mga tao sa paligid. Andyan yung tuwing makikita mo yung mga kakilala mo yun agad ang unang banat: “ano may asawa ka na??” gusto kong mabuwisit dahil sa 2 bagay. Una, mukha ba kong may asawa o anak? Pangalawa, yan lang ba ang ultimate goal ng mga tao sa mundo? Ang mag-boyfriend o mag-girlfriend saka mag-parami ng lahi? Meron pang pagkakataon na may nagtanong sakin kung galit daw ba ko sa mga lalaki. Pero ang pinaka-paborito ko eh yung tanungin ako kung tomboy daw ako. Natawa ko ng wagas. Wala lang boyfriend, tomboy agad? haha!

Naisip ko lang, kahit malakas mang-pressure ang malupit na mundo sa mga taong hindi umayon sa norms ng society (i.e. being in a relationship at a certain age, dressing in certain way, drinking the newest brand of milk tea, going to parties, or cheering for Linsanity even if you don’t watch NBA, or eating an overrated expensive ice cream) di naman ako dapat malungkot na late bloomer ako. Siguro naman may Pros yan aside from the Cons (like tampulan ng tukso sa opisina at default na aasarin sa mga kapwa single sa paligid). Kakatawa lang isipin. Di naman dapat madaliin di ba? Life is meant to be savored.

 

Advertisements