“Sa may bahay ang aming bati, Merry Christmas na maluwalhati. Ang pag-ibig pag syang naghari… Thank you, thank you, ang babait ninyo, thank you!”

Sa dinami dami ng mga batang nangangaroling dito samin, bihira lang ung natatapos o tinatapos yung kanta. Kadalasan, pag-abot ng barya “thank you, thank you, ambabait ninyo, thank you!” na ang kasunod, tapos man o hindi ang kanta. Ngayong araw, hindi na kame pwedeng “mag-patawad” sa mga carolers. Legit na kasi ang pangangaroling nila dahil December 16 na. Kasabay ng simula ng Simbang Gabi (na naumpisahan ko. YES! at tatapusin ko *cross fingers*) ay ang pag rakenrol ng mga bata sa pag-kanta ng “Sa May Bahay”, “Jingle Bells”, ng face palm inducing song na “Boom Tarat Tarat”, at ng iba pang Christmas Carols.

Bilib ka din sa mga batang nangangaroling ngayon, very innovative. Merong kutsara at tinidor lang yung instrument. Meron din namang prepared with drums and tambourines. Kung minsan, ung mga talagang kinakarir eh may dala pang sound system na naka install sa stroller, naka-costume, may bonggang production number kasama pa ang choreographer. At meron ding sarili lang ang dala at papalapalakpak lang. Yung iba grupo pag nangangaroling. Minsan nag-uunahan pa kung sino ang kukuha dun sa barya. May mga iba naman na solo flight. Para kumikitang kabuhayan talaga.

Sa buong buhay ko isang beses lang ako naka-experience ng caroling. Kasama ko si kuya at ang mga pinsan namin. Naalala ko, muntik na kaming mapag-tripan ng mga lasing nun. Kaya siguro di ko na inulit. Trauma. Pero okay naman ung caroling. Part na ng Paskong Pinoy. Kasama ng makukulay na parol, bibingka, puto bumbong, at syempre ung Simbang Gabi. Sana matapos ko ang 9 mornings, last minute challenge for the year. 1 down, 8 more days to go! 🙂

Advertisements