Noong Lunes, sinuggest ng isang ka-opisina na magpa- threading. Para sa mga ignoramus, ang threading ay isang proseso kung saan bubunutin ang mga buhok mo sa kilay gamit ang sinulid o thread, hence the word, threading. Pinsan sya ng plucking at shaving.

Di ko pa na-experience to kaya excited akong ma-try. Dahil excited kame, tumawag kame nung Martes para magpa-appointment ngayong araw. Apat kame, nung tumawag para magpa-appointment, dalawa lang daw ang pwede. Reserved for walk-ins daw ang ibang slot. Okay. Fine.

Come Thursday, sumugod pa rin kameng apat kahit dalawa lang ang reservation. Pag pasok namin, tatlo lang ang rooms kaya pala limited slots ang reservation/appointment. Sa unang cubicle si Jowleen, sa second ako, si ate Furla naman sa last. Si Chuck the Kidnapper ay nagmistulang bisor habang hinihintay ang turn nya.

Pinahiga ako ni ate, nag small talk onte, tinanong ko sya:

Ako: (Praning onte) Te, masakit ba magpa-ganto?

Ate: (walang ka-abog abog) Oo mam.

Ako: Hala te!

Ate: (halatang bumawi) sa umpisa lang naman mam. Hawakan mo mam ung mata mo para di maipit.

Ako: (napalunok. thank u talaga te ah)

Eto ang ekesena namen kanina:

Thank you te ah. haha! Although masakit, tolerable naman. After a few plucks parang wala na lang. Mabilis naman kaya ayos lang. Specific kong sinabi kay ate na gusto ko lang patanggal ung mga stray hair. Walangya, pagtapos namin, parang 50% ata nawala. Gubat na nga siguro talaga ung kilay ko date. Lookit!

Mas okay kesa nung last time kong pinaayos. Last time baklang bakla ngayon mukhang mataray, wicked step sister na lang daw. :))

Threading not too bad. Bushy eyebrows no more. πŸ™‚

Advertisements