Late post. 🙂 read on.

Isang nakakapagod na Miyerkules. Kung iisa-isahin ang mga nakaka-bad trip ngayong araw na to, iisipin mo nanaman na nagrereklamo lang ako. Kaya naman, pinipili ko (dahil happiness is a choice daw) na tignan na lang ang bright side.

Marahil kung nakabasa ka na ng isa sa mga semi emo, angsty, at whiny blogs ko eh alam mong marami akong comments, suggestions, at violent reactions towards commuting kahit na in reality eh dependent ako dito. Kahit na para akong irate commuter sa iyong paningin masaya naman ako talaga sa pag-cocommute. Tuwing umaga kasi sumasakay ako ng FX o shuttle papuntang Makati. Sa kabila ng irritating fact na madaming abnormal ang sumasakay, may mga times din na enjoy. Kaninang umaga binuo ni Manong Driver ang umaga ko. May mga radyo kasi ang mga UV Express na van. Nag-uusap-usap habang bumabyahe at nagbibigay ng mga traffic advisory, buwaya advisory (MAPSA), usok advisory (mga nag-checheck for smoke belching), at minsan nag-gagaguhan lang.

Eto yung narinig kong usapan kanina:

Manong Driver: Come in por-siks-sero. Come in.

Radyo: Okay go ahead tu-payb-siben.

Manong Driver: Kamusta ung por-payb dyan? Andito sila sa Delta Bravo?

Radyo: Waley, waley sila dito. Nasa Amorsolo.

Manong Driver: Hindi andito sila sa Delta Bravo.

Radyo: Waley nga.

Manong Driver: Ang kulit mo. Andito nga sila sa Delta Bravo wala sa Amorsolo. Andito ako eh. Ang kulit mo.

Natatawa lang ako dahil si manong na nasa radyo kung maka-WALEY bonggang bongga. Haha. Imagine a typical manong driver talking to other drivers using words like WALEY. Di bagay te. At hindi sila magkaintindihan kaya napipikon na ng konti si Manong Driver. Kaaliw.

Isang bagay din na na-eenjoy ko sa pag-cocommute ay ang pag-eavesdrop sa mga kwentuhan ng mga tao. Alam kong hindi ito maganda, ang makinig sa usapan ng iba, kaya lang minsan di maiwasan na marinig mo talaga lalo na’t tahimik at bonggang kwentuhan naman sila. Kanina rin, kasabay ko ang mag-asawa na madalas kong makasabay, okay naman silang kasabay dahil hindi sila PDA at pala-ngiti si misis (na para bang close kami). Pinag-uusapan nila ang isang ka-opisina ni misis na mahusay mag-pasa ng trabaho. Masidhi ang damdamin ni misis, buntis din kasi kaya siguro emotional. Gusto ko syang lingunin at sabihan ng “I feel for you te!”. Naisip ko na di ako nag-iisa, lahat ng opisina, in one way or another eh problematic.

Sa opisina, sabihin na lang natin na di masyadong good ang morning. Pero ayos lang. Hingang malalim sabay ngiti. Kalma sabi ko sa sarili ko. I-tawa mo na lang. Rakenrol. Pagdating ng lunch, syempre lunch out. Masaya naman. Laugh trip kasi yung mga usapan eh. Kung kilala mo ko alam mong mahilig ako mag tanong ng random questions. Hetong sample pati ng mga sagot nila kaya cancelled out na ang not so good morning:

AKO: Kung ikaw ay isang furniture, ano ka at bakit?

OPISMEYT: (nag-iisip) ah alam ko na!

AKO: (naisip kong baka TV ang sasabihin nya) O hindi appliances ah, furniture!

OPISMEYT: (nag-iisip talaga) huh? Panong furniture??

AKO: Halimbawa, sofa. Ganun. Sofa bed.

OPISMEYT: (medyo may lag ng konti) eh bakit ko naman gugustuhing maging sofa bed?!

AKO: (Huwat?! Tawang tawa)

I-complicate ba ang isang random hypothetical question ng isang loka-lokang babaeng tulad ko?? Gusto ko lang naman may mapag-usapan sa lunch break. Haha. Pero ewan ko kung pareho ng impact pag binasa kesa narinig. Anywho. Tawang tawa ko kanina dahil dyan.

After lunch, ginagawa ko pa rin ang counter proposal na umaga ko pa sinimulan para sa isang company na gusto naming i-partner for this summer. Medyo nahirapan ako dahil nag-cocompute ng values at discounts for sponsorship. Pag na-mali yari ako. Basta ang ending di pa din sya tapos dahil may mga minor revisions at may hinihintay pang rates. Ang swerte, meron pala kaming seminar sa hapon so pumunta kame. Okay naman ang seminar, may 186 item exam daw kameng dapat sagutan in 30minutes, una natawa ko kala ko joke, eh totoo pala so napakamot na lang ako sa ulo sabay eenie meenie mini mo nalang sa ibang hindi ko alam. Ang buong detalye ng mga kaganapan sa bahaging ito ay marahil isusulat ko na lang sa ibang pagkakataon kasi usapan bright side muna ang post na ito. J

Dati akala ko drawing lang ng mga tao yung “nakakapagod pumasok sa opisina” kasi naisip ko pano ka mapapagod eh nakaupo ka lang naman? Napatunayan kong nakakapagod talaga kahit pa nakaupo ka lang sa swivel chair mo at nag-fefacebook este nag-cocomputer. Hehe. Kaya naman pag 5:30 na uwian na! As much as possible gusto ko iwan sa opisina lahat ng pwedeng iwan. Ayoko na kasing mag-isip ng mag-isip dahil 8AM to 5PM lang ang binabayaran sakin. Baka bumalik lang ako sa stressful old me eh ayoko na ng ganun.

I look forward to walking home from work. Kasabay ko mga officemates. Pag-uusapan namin ung play by play ng araw at yung “highlights”. Para kasi sakin, nakaka-relieve ng stress kapag pinag-uusapan. Feeling ko, kahit dati pa, na ang kahit na anong problema pag pinag-uusapan o na-sheshare ko sa iba, nababawasan ng weight. Ewan ko, siguro I just like talking things out.

Pagdating ko sa terminal, medyo down ang spirit ko. Siguro dahil ako na lang mag-isa at naiisip ko nanaman yung mga naiisip ko. Ayoko na sana mag-sound trip dahil yun dapat yung gagawin kong sacrifice for the Lenten Season kaya lang mag-pupuno pa ang shuttle eh puro hatsing lang nung pasahero sa likod yung maririnig ko lalo lang akong mada-down kaya pinasakan ko na lang ng ear phones ang tenga ko.

Kahit gano katagal pa ang pag-pupuno ng shuttle, mag-hasik man ng virus yung mga pasahero, gaano man ako ka-down, marinig ko lang yung get happy tunes ko eh masaya na ko pauwi. Kahit traffic pa basta nandyan si John Mayer, Jason Mraz, at Robbie Williams para i-soundtrack yung mga building sa Makati at yung buong byahe pauwi ayos na ko. Nalo-lost na ko sa isang mahabang music video. Matatapos lang pag dating ko sa harap ng bahay namin. Eh pag pasok ko sa gate pa lang, sasalubungin ako ng aso namin at kakawayan ng mga tita at pinsan ko, minsan papa ko agad makikita ko,  nakakalimutan kong isa kong corporate slave. Balik ako sa pagiging bunso at kaagaw ng kuya ko sa palabas sa TV, at lahat ng bagay ay madali at magaan dahil dito sa bahay namin walang bilang ang mga excel sheets, inventory, proposal letters, at office politics. Ang target lang dito eh walang matirang kanin para walang bahaw kinabukasan.

Advertisements