Karapat dapat lang na mag-saya, di lang dahil nanalo nanaman si Pacquiao for the nth time, kung di dahil… birthday ko ngayon!:) Wala pa kong decent na tulog simula Friday. Maaga din ako gumising ng Saturday morning to prep for the party (naks party.) and when i say prep i mean, clean up my room. Buti na lang andito tita ko para samahan akong sagupain ang mga basura sa kwarto ko. After all the cleaning up and the errands (putek kame nag akyat ni tita sa roof top ng 2 case ng beer tapos di naman inubos ng mga bisita. *sigh*) the party started at around 9pm.

Kakatuwa lang ang aga dumating ni Cha kasama ang mapagpanggap kong kaibigan na si Pjong (sabi di daw pupunta, kailangan daw mag rest sabi ng doctor. asus nagpapapilit lang pala. haha.). Sumunod na dumating si Macky (Macky on the phone giving directions: Hello? Si macky to yung boyfriend ni cha. hehe. inside joke. pasensya. :D). Akalain mong dumating din si Jimboy? Nakakatuwa lang na this year maaga at on time dumating ang mga bisita. After them dumating sila Mark at Marlon tapos si Lurens at Si Maxin. (Can you see the trend?) Tinanong ako ngayon ng tita ko: Ces, wala ka bang kaibigang babae? Haha! Natawa ko dahil 3 lang ang bisita kong babae kagabi si, Cha, Faith at Kamille lang. Saka ko lang narealize yun nung sinabi ng tita ko. Haha. Oh well, di kasi nakarating yung iba. May mga prior committments at iba pa. Pero masaya pa rin ako dahil may mga umeffort pumunta para lang makibahagi sa celebration. 🙂

A year older and a year wiser (i hope). I thank God for my family and my friends. I am so blessed and I couldn’t ask for a better gift than a celebration with the people closest to my heart. Cheers!

Advertisements