Got home late today. Pretty busy day at work – we did the business planning for 2011 (sounds very serious and corporate no? pero maharot pa rin ako during the meeting, can’t help it. haha) I walked from Amici to MRT (Haaay Ate Lie kung di ka lang malakas sakin). Imagine that! When I got to the terminal, there was a long line as usual but today is the longest I’ve waited for transpo to date. I stood in line for an hour and 15minutes i think. Grabe! We fall in line for 30minutes (kung maswerte) to an hour para sa 15 to 20 minute ride home. Minsan bonggang sardinas pa sa shuttle. Pero yun ang fastest, most convenient (ng lagay na yun) way to go home from makati. Di tuloy ako umabot sa Glee (TV Geek Alert!). What’s funny is that, I saw Bestfriend Goldie. Una sya sa pila, di ko agad nakita. She was asking me if i wanted to take the cab. I told her, “sayang naman yung pinila natin”. So, we waited for another 20 or 30 minutes. Sabi namin pag-9 na tapos wala pa sibat na kami. Pero, sabi ng mga kasama namin sa pila parating na daw si manong kaya naman naghintay kami at kamuntik ng mamuti ang mata namin. Nakasabay din namin ni Bestfriend Goldie sa pila ang isang dating kaklase, nalibre pa kame sa pamasahe at naka-chika pa ng konti. Tapos may banggaan pala dun sa Skyway, nadaanan namin, inaareglo na. Malamang mas hassle sa samin kung napaaga kame ng dating (i’d like to think we were saved, buti di kami kasali dun di ba). So anong point ng post na ito, matanong mo. Mmmm, siguro ang nais ko lang sabihin ay… good things come to those who wait. Ang pag-pila ko sa box-office na shuttle terminal ay nagbi-build ng character (patience is a virtue!) kaya bukas ipinupusta ko ang kaliwang kamay ng kapitbahay naming maingay na kahit 48years bago dumating ang mga sasakyan, dudumugin pa din ito ng mga tao, isama mo pa ko. 🙂

Advertisements