Sobrang umay ako sa mga taong di mo makausap ng matino. Alam mo yung simpleng tanong o simpleng suggestion di ka mabigyan. Ako kasi yung tipong pag-alam ko, sagot ako agad. Ewan ko kung bibo lang talaga ko o papampam lang. Kaya siguro sabi ng mga haters know-it-all daw ako. I’d rather be a know-it-all kesa naman bobo.

Magkano na ba ang matinong kausap ngayon at san ba nakakabili nito para makabili ako ng 3 kahon. What’s more disappointing is that, the people you expect to give you answers are the ones who fail to give a decent response. Kakaloka talaga.

Exhibit A:

Most sensible person in the universe: Ano na balak mo? Pa-RSVP ka ah.

Ako: Sige. I need your suggestion. Anong oras kaya maganda mag-start yung party, 8PM or 9PM?

Most sensible person in the universe: Ewan ko sa’yo. Kaw ang bahala.

Ako: … (sa isip isip ko, WATEVS)

Lagi to nangyayari sa kin. Ewan ko kung bakit. Wala kong makausap ng matino. Di ko alam kung matatawa ba ko o maiiyak. I haven’t had a good talk for a long time. Bakit?? Lagi na lang akong help desk/information desk, counseling (all sorts yan ah), o di kaya suicide hotline. SIGH. WATEVS.

Advertisements